Mga Pahina

Translate

Martes, Oktubre 9, 2012

LAMTAM ,a new MCDO LOVE STORY(PART 1-5)



“Guys iwanan ko muna kayo dito huh. Dalhin ko lang tong stufftoy sa kwarto ko. Hehe” sabi ko sa kanila.

Binuhat ko na ang bear papunta sa kwatro ko. Bakas sa mukha ko ang labis na kalungkutan at pangungulila kay ryan. Tinanggal ang bear sa pagkakabalit nito. Yinakap ko ito. 

Kinakausap ko nanaman ang sarili ko sa isipan ko.

“TAMMY BEAR..hmmm nasan na kaya ang taong pinanggalingan mo. Nakakainis siya ha, pinahihiripan nya ako. Alam mo bang umiiyak ngayon si daddy? Hmp.pag nakita natin yun awayin mo ha para s aakin. Ahayst.. tapos iiwan nya natayo ng tuluyan.aalis na siya papuntang ibang bansa. Alam mo ba kung nasaan siya ngayon? Alam mo ba kung anug balita sa kanya ngayon?nakakasar siya ha. Sa tingin mo ba nakalimutan na ako ng daddy mo? Sa tingin mo ba talagang hindi nya na ako ako mahal?paano na ako? Paano ka na? Im sure malulungkot ka. Kahit malaki ka na Tammy bear im sure mamimiss mo din ang dad mo kagaya ng pag ka miss ko.”

Katahimikan ang bumabalot sa loob ng kwarto na siya namang ikina-igting ng labis na kalungkutan. Pilit kong pinipigilan ang pagpata kng luha ko ng mga panahong iyon. Maya-maya pay naisipan kong lumabas ng bahay para makalanghap naman ako ng sariwang hangin. Nakaramdam din ako ng gutom ng mga sandaling iyon, naisipan ko na pumunta sa Mcdo. Namimiss ko na ang spagget at mcfloat.

“ah guys pwede ko ba kayo maiwan saglit dito sa bahay? Bibili lang ako ng yosi at pupunta saglit sa mcdo. Hehe nagugutom na kasi ako at gusto ko kumain ng spaghetti. Take out ko nalang kayo mamaya pag-uwi ko. Di naman ako magtatagal eh. At dahil nga masipag kayo name what you want guys anu gusto nyo?”

“uhm… chicken pre gusto ko heavy meal eh ^ dalawa sa akin ha” tugon ni Jorge

“namoka ang takaw mo talga. Ang mahal kaya noon. Pwede bang fries nalang sayo pre!loko lang heheh”pagbibiro ko nito

“sa akin same lang ng sayo spaghetti din “sabi naman ni trixie

O siya sige alis na ako ha. Bantayan nyo bahay ko at wag nyo ibebenta mga gamit ko dito kung di lagot kayo sa akin. Pag yan may magkulang tatanggalan ko kayo ng mata isa-isa. Haha “ pagbibiro ko ulit sa kanila

“ulol!haha anu naman ang mabebenta dito eh feeling ko nga hindi na ito tatangapin sa junkshop eh. Hoy bilisan mo.lumakad kana. Mukang gumanda ang araw mo ha? Nagsex kayo ng BEAR nuh? Bwahahaha” pakli ulit ni Jorge.

“baliw! Haha babe pakibantayan tong ungas na to ha.baka saktan nya si TAMMY bear s loob ng kwarto. Hmp baka rape-pin nya yung bata naku malibog kaya yan. Haha” sabi ko habang papalabas na ko ng bahay at sinusuot na ang tsinelas.

Dumaan ako ng tindahan sa kanto malapit sa amin para bumili ng yosi. Naglakad ng konti para sumakay ng tricycle palabas ng gate. Sumakay ng jeep papuntang zapote at bumama sa kalapit na mcdo ilang milya ang layo mula sa gate ng subdivision.

Agad ko ng pinabalot ang lahat ng pagkain na binili ko sa Mdo. Tumawid ako para sumakay pabalik sa bahay. Sa front seat ako ng jeep umupo. Kinarga ko ang mga dala kong order pasalubong para kina jorge at trixie. 

Umandar na ang sasakyan. Habang sa mga oras na yun tinititigan ko ang ang smiley sailalim ng letter M n tatak ng mcdo. Bigla akong napangiti. Naririnig ko ang boses ni ryan habang kinakanta niya ang linya ng mcdo na “TAMTA-RAMTAMTAM LOVE KO ‘TO” 

biglang dumilim ang paligid at animoy umiikot ang paningin ko. Nagawa ko pang tumingila habang inoobserbahan ang ngyayari sa mga oras na yon, bagaman wala na ako masyadong maaninagan alam kong may nangyari na kakaiba. Nakita ko na lamang na nagkakagulo ang nasa paligid ko.malabo ang paningin at wala akong marinig. sobrang bigat ng ng ulo ko at pakiramdam ko. tuluyang nagsarado ang mga talukap ng mata ko.naririnig ko ang boses ng isang lalake na binibigkas ang TAMTA.. tam.. tam.. guni-guni ko lang ba iyon? hindi ko na maibuka ang nga mata ko para usisihin kung sinu iyon.

Dahandahan kong binuksan ang talukap ng mga mata ko. Ang tahimik ng paligid. Nakakabingi na katahimikan. Hindi ko maigalaw ng maa-yos ang mga kamay ko. Ang paa ko.ang buo kong katawan. Anu itong nakatusok sa kamay ko? Bakit may dextrose ako? Agg paligid?isang maliit na silid. Tama bang naiisp ko? Nasa hospital ako? Ang sakit ng ulo? Dahan dahan kong inangat ang kaliwa kong kamay para hawakan ang ulo ko na, ang sakit kumikirot. Ang kapal ng benda na nakabalot sa ulo ko. Ano ba ang ngyari? Bakit ako nandito? Wala akong ma-alala.napansin ko ng may mga tao sa paligid ko. 

Nakikilala ko ang mga taong naka-upo sa tapat ko. Si trixie iyon. At Jorge magkayakap na natutulog. Nakapatong sa kanila ang isang jaket pangontra ng lamig sa loob ng silid na iyon. At sino naman itong katabi nila.isang lalake. Matipuno.matangkad.kaibigan ba nila ito? Parang pamilyar sa akin. Nakakapagtataka nakita ko naba itong taong ito.

“gi-gising kana pala.kamusta pakiramdam mo?” biglang bulalas nito pagkakita sa akin na noon ay nakasubsub ang mukha sa palad . 
namamagaga ang mga mata nito. Halatang wala pang tulog. Bakit ang sarap ng ngiti niya habang kinakamusta ako.sumasakit nanaman ang ulo ko. Sino ba itong taong ito bakit nya ako nginitian. Pilit kong inaalala pero wala akong mapiga sa isip ko.

“babe gising kana pala. Kamusta na ang pakiramdam mo?thanks god. Pinag-alala mo ko ng sobra.” Sabi ni trixie nanoon ay maluha luha siya sa pagkakasabi ng mga katagang iyon.

“ba-bakit anung nagyari? At bakit ako nandito?”tanung ko sa kanya.

“pare wala ka bang maalala? Halos mag iisang linggo kana dito” tugon naman ni Jorge namay pagtataka ako sa mga sinasabi niya?umiling-iling ako at pilit nai nalala ang lahat. 

"Anu ba ang ngyari.ang huling naalalako ay galing akong mcdo."

“babe buti nalang kasama mo noon si RJ ng naaksidente kayo.sabi kasi ni rj nagkita daw kayo sa gate ng subdivision. Ang kwento nya sinamahan ka daw niya papuntang mcdo, e d ba nga nung araw na un sabi mo nagugutom ka at itatake out mo kami ng food namin. Nalala mo ba noong dumalaw kami ni Jorge sa bahay nyo?”salaysay ni trixie.

“sumakay daw kayo pauwi ng jip. Sa harapan kadaw pumwesto. At nasa loob naman ng jeep si rj. Sobrang bilis daw ng pagpapatakbo ng sasakyan ng driver, tapos maya maya ay bumangga kayo sa isapang pribadong sasakyan. Nag-overtake kasi yung isang sasakyan sa kabilang linya. Ayun , ikaw ang napuruhan ng mga time nayun. Agad ka daw itinakbo ni ryan dito sa Molino Doctors. buti nalang sobrang lapit nito sa lugar na pinagyarihan, kundi naubusan ka ng dugo sa pagkakabagok mo noon. Hay naku pagkakataon nga naman, swerte mo at naisipan ni rj na pumunta dito. Ang pinagtataka ko paano niya nalaman kung saan ka natira. Ang sabi nya gusto niyang kumstahin yung ipinabibigay ng closefriend nya na syota mo about dun sa bear. E db nasa state na daw yung girlfriend mo kaya tinawagan nya nalang na naaksidente ka. Nagaalala daw yung babaeng yun sayo.weird nuh?”dagdag pa ni trixie.

Si-sino si rj? Tanung ko saka nila.

Nagtinginan ang tatlo ng mga oras nay un, na para bang may gusting sabihin. 

“at sino yung girlfriend ko?wala akong malala” dagdag ko pa

“ah- ako si rad jurich pare, rj for short” biglang sambit ng lalakeng katabi nila trixie at Jorge.

“ba-ba..” nauutal na banggit ni trixie ng mga panahong iyo habang nilingon ng lalake na nag-ngangalang rj at tinitigan na animoy may nais ipahiwatig.

“nakausap ko na ang doctor mo noong nakaraang araw, sabi niya sa sobrang pagkakabagok ng ulo mo , nagkaroon ng konting pag alog sa brain mo. May tendency daw na magkaroon ka ng amsesia. Pero babalik din daw ito mga ilang buwan.wag mo nalang daw pilitin muna na alalahanin ang lahat.babalik din ng kusa ang mga yun. At sa tulong daw ng mga pamilya at kaibigan mo ay mas mapapadali ang pagaling mo.masusing test ang ginawa sayo ,nag-aalala din kasi ang doctor baka nagkaroon ka ng blood cloth sa utak mo. Thanks god t wala naman. External hemorage lang ng ulo ang natamo mo sanhin ng pagkakabagok mo”salaysay ng nag-ngangalang rj sa akin.

Nakapagtatakang kangina lamang ang aliwalas ng mukha nito, biglang nagbago ang templa ng mukha niya at pansin kong namumuo-muo ang luha nito sagilid ng mata habang nagsasalaysay.

“u-umiiyak ka ba pare”tanong ko sa kanya.

“hi-hindi kulang lang siguro ako satulog.sobrang antok kohehe” agarang tugon nito sa tanung ko.

“wala pa kasing tulog si rj ilang araw na, sya kasi lage nagbabanta y sayo dito. Ambait nya dre” ang sabi naman ni Jorge.

“Labas muna ako mga tol,trix labas lang ako ha. Papahangin lang at magyoyosi ako sa labas.” Sabay lumakad papalapit sa pinto ang lalaking iyon.

Naguguluhan parin ako sa mga nagyayari. Nagtataka ako kung sino yung girlfriend ko. Bakit wala akong ma-alala na girlfriend. At sino naman itong rj na ito. Bakit kami magkasama ng panahon na naaksidente kami.kaduda-duda ang mga sinabi ng taong iyon.

Sumunod na lumabas si Jorge at naiwan si trixie. Pinagbalat ako ng prutas ni trixie habang ako naman kasalukuyang nakasandal sa unan.gusto kong pagtagpi-tagpiin ang mga ngyayari.

“babe ang weird, bakit si rj lang ang hindi mo ma-alala? Bakit kami na-alala mo.” Oh ito kainin mo to para naman magkaroon ka ng lakas.ilang araw ka din kasi walang kain.”kasalukuyang papalapit sa akin si trixie ng mga oras na yun habang sinusubuan ako ng kapirasong prutas na binalatan niya.

Maya-maya pay dumating si Jorge may dalang pagkain. Salitan naman sila ni trixie.siya naman ang umalis ngayon.ang paalam nito hahanapin niya lang si rj.

Medyo natagalan bago bumalik ang dalawa. Halos umabot ng dalawang oras bago sila nakabalik. Kinausap lang daw nila yung doctor at bukas ma-aari na akong umuwi ng bahay.

Ilang linggo din ang lumipas mula ng umuwi ako ng bahay. Halos dito na sa bahay namalagi si trixie at Jorge sa pag-aalaga sa akin. Sila na ang gumawa ng lahat ng mga gawaing bahay, hindi nila ako pinabayaan at iniwan.

Isang araw, dumalaw ang iba naming kamag-aral para kamustahin ako.nabalitaan kasi nila ang ngyari sa akin. nakakatuwa namang isipin na marami palang nagmamahal sa akin. Wala na akong nagawa kundi siyempre patuluyin ang mga iyon.

nasa tabi ko ng mga oras na iyon si cerge,napakwento si cerge kung anu na bang ngyayari sa school. Napansin kong ilang araw na din hindi nagpapakita si rj. busy ata sa trabaho yun.ang weird kasi ng mga ngyari. Napansin ko ng araw na nagising ako bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala pero bakit nitong mga nakaraang araw hindi ko nakikita ang presensiya niya.

Nakaratay parin ako sa silid ko kahit ilang araw na ang nagdaan.mahina parin ako.sanhi siguro ng wala akong masyadong nakakain mula ng may nakaturok sa akin na dextrose, at dala na malamang sa pagkakabagok ng ulo ko noong aksidente,naapektuhan malamang ang buong sistema ko.namimiss ko na ang lumabas.at magpahangin. 

Nagdaan pa ang ilang araw at bumuti-buti na rin ang pakiramdam ko. Bumalik na ako ng school . ang dami kong namiss na mga subjects. Sabagay excuse naman ako dahil nga naaksidente ako. Kailangan ko lang habulin ang mga subjects ko at magself review sa mga namissed kong topics.saka ako kukuha ng exams ko.

Balik na sa normal ang buhay ko. Kasama ko sila cerge at Jorge lage sa tambayan namin. BATIBOT ang tawag sa isang malaking puno na napapalibutan ng sementong upuan. Pabilog ang hugis nito kaya malamang batibot ang tawag dito. Presko ang hangin at kami lang ang lage tumatambay dito.

Napansin ko na may isang babae na nahulog ang binder nito nadala dala. Agad akong tumayo para tulungan ito. 

“ah eh miss ako na kukuha” habang nakaupo at tinitipon ko ang mga pirasong papel na nalaglag sa pagkakainsert nito sa binder.

“Sa-salamat.” Aniya.

Ang lambing ng boses nya. Ang totoo nyan sinadya ko talga na lapitan iyon para magpakilala. Ang haba ng buhok at ang tangos ng ilong. Bagay na bagay sa kanya ang uniform na pambabae, nakaminiskirt atnaka-high-hills pa.sino bang hindi mapapa-wow sa mga legs nito. ang ngiti niya parang isang anghel. Ambango ng amoy ng buhok nito habang nalalanghap ko dala ng hangin na humahampas sa mga pisngi ko.

“hi-hi. A-ako pala si erick” pakilala ko.

“ye-yeah, iknow.sino ba naman ang di nakakailala sayo. Eh halos lahat ng babae sa campus kiala ka. And im sure, maraming magagalit sa akin dahil kina-usap moko. Anyways thanks ^^ nga pala.” Agad na tumalikod ang babae palayo sa akin.

“really? ganun ako kasikat?, whats your name nga pala?” pahabol na tanung ko nito.

“im andrea. Sige ha malalate na ako sa next subject ko.thank sulet.” Nagmamadaling sagot nito.

“hi, andrea ^^” sabay habol ko sa kanya, habang naglalakad siya, patalikod naman ako naglalakad na kaharap niya sabay kininditan ko. Nagpapacute kumbaga. Nakaka-inlove talaga ang isang to.

”so can I have your number? You know para matxt naman kita!” ang tanung ko nito sa kanya

“yeah?”su-sure?” ang sagot nito.

“hehe tanung bayun?parang napipilitan ka lang ata. Heh,ang cute mo ha”sabi ko sa kanya habang ngi-ni-ngitian ko ng pamatay ko ng ngiti.

“ha ha ha funny! You know what malalate na ako. Will you please stop me. Maraming naghahabol sa iyo kaya doon ka nalang mag aksaya ng panahon mo wag sa akin.” Pagtataray nito.

“hmmm sungit mo naman, yan nawawala pag ka cute mo.penge naman ako ng number mo oh.” Pangungulit ko nito.

“fine. 0906-4571-085 yan number ko. And please wag mo na akong sundan. Pinagtitingan tayo ng mga tao .nakakahiya.” aniya

“chillax! Hayaan mo sila inggit lang mga yan. Okay miss ganda ingat . tawagan kita mamaya ha” sabi ko sa kanya habang pinapakita ko ang sign ng pagtawag ng papalayo na siya.

“got it dude” pagmamalaki ko sa kina Jorge at cerge na noon at nakamasid lamang sa amin.

“lupet mo pare, wala ka paring pinagbago. Bolero ka parin hahaha” pang-aasar ni Jorge.

“hanga na ako sa-iyo. Alam mo bang miss-sungit ang tawag sa kanya ng campus. Naku mailap kasi yan sa mga boys dito sa campus. Balita ko nga nililigawan siya kiko ngayon. Haha ewan ko lang kung tumagal yung pangliligaw niya baka sumuko na rin xa." singit naman ni cerge.

“si kiko? Yung varsity player ng basketball team ng school natin? “ haha naku walang panama sa kagwapuhan ni pareng Erick yan. Ito pa eh mas malupit pasa leyon to. Kita mo nga kung mambola daig pang dribbler hahaha “ pang-aasar nanaman ni jorge

“haha ungas. Tigilan mo ko. Igaya mo naman ako sayo na malibog.atleast ako hindi.dinadaan kosa love” sabay hawi ng imahinasyon ko sa harap dala ng kaulitan. 

“Love? Ikaw mai-inlove? Baliw parang di naman uso sayo yun” sagot nanaman ni Jorge

“Oh basta. Move on pare. Haha insecure ka bwisit.panira ka ng moment.” Tugon ko ulit sa mga huling sinabi ni Jorge.

Araw-araw kong inabangan si andrea sa BATIBOT. Mula noon nabawasan na ang pagkasungit niya, nakita ko ulit ang mga matatamis niyang ngiti sa akin. “am i fallin to andrea?” tanung ko sa sarili ko. Nasanay na ako na nakikita ko ito. Sarap nyang habul habulin. Yung pagkasungit nya sa akin lalo akong na-iinlove sa kanya.kakaiba siya sa mga babae na nakilala ko. Yung ibang babae easy to get. Ito, parang amazona ang ugali . palibhasa alam nyang nagkakandarapa din ang mga lalake sa kanya kaya malamang ganyan siya umasta.

“hey guys, since kumpleto tayo ngayun, andito si trixie, an dito si cerge at Jorge at si binibining sungit ^^ treat ko kayo ng mcdo sa south mall. Ayos bay un?” pag-iimbeta kosa kanila.”

“pare ang tagal ko ng gustong marinig sayo yan. Atleast naisipan mo rin. Tamang tama gutom na ako. Haha 5 chicken ang order ko ka at walong extra rice” biglang bulalas ni Jorge habang ngumingisi.

“puta ka dre, anung klaseng tyan meron ka?may mga condo units ba yang tyan mo?baka naman pinalagyan mo ng balon-balonan ang leeg mo?check ko nga pre haha” ang tugon ko naman

Agad na kaming lumabas ng gate ng perpetual , tumawid kami para sumakay ng bus na aircon papuntang southmall. As usual ang ingay namin sa loob ng bus. Naiirita na nga ang mga katabi namin dahil sa kadaldalan ni trixie.kilala nyo naman si trixie kung magsalit. Ubod ng kulit, panay ang ngisi at panay ang yakap kay Jorge.

Nakarating rin kami sa south mall sa wakas. Dahil nasa ground floor kami, kailangan pa naming pumanhik sa itaas.

Umoder na rin kami ng pagkain .syempre ang walang humpay na asaran namin. Sa mga pagkakataong iyon gusto kong samantalahin na magpropose kay andrea para maging girlfriend ko. Hindi naman kasi ako marunong manligaw.pero siguro naman sa araw araw na pag-aabang ko sa kanya at pangungulit yun na yung Ligaw phase. Effort din kaya ang tawag doon.

‘Guys! Guys! Guys! May sasabihin ako” pagtawag ko sa atensiyon ng mga kasamahan ko.

Habang yung dalawang babae naman nagkukulitan at kung ano ano ang pinag-uusapan, malamang girlstalk yun at panlalait sa mga boys.

“oh my gad, trix favorite ko yan, pakinggan mo. Yang portion nay an “PAP-PARAP-PAP-PA LOVE KO’TO” narinig ko ang kapirasong linya na sinabayan ni andrea.habang mistulang hindi narinig ang pagtawag ko sa kanila

‘TAM? TAMTAM? “ banggit ko sa mga katagang iyon.

“TAMTAM? Sino yun pare?” ang tanong ni cerge na katabi ko noon habang nakatulala ako ng mga panahong iyo. Agad akong tumayo at umalis. Tumakbo ako palabas ng mall.

“ey pare, anung nagyayari,san kapupunta?”ang pahabol na tanung ni Jorge ng mga panahong iyon.

“tamtam! Tamtam! Tam…. “ paulit ulit kong binabanggit ang salitang iyon . unti unit nang nagiging malinaw sa akin ang lahat, unti unti ng nagbabalik ang nawala kong alala.

Namumuo ang mga luha ko sa gilid na mata ko. Hinanap ko bigla si ryan sa tabi ko. Hinahanap siya ng panigin ko.asan na si ryan. Ilang araw din syang hindi nagpakita sa akin mula ng nagising ako sa ospital. Pero bakit sya nagpakilala na siyasi Rad Jurich? Eh Ryan Jay naman ang pangalan niya. Ang daming katanungan ang lumabas saisip ko.

Napahinto ako sagilid ng south mall sa DOOR 6 sa bandang likod ng south mall kung saan makikita ang parking area.sinundan pala ako ni trixie ng mga panahong iyon. Naiwan naman ang iba sa mcdo marami rin kasi kaming na-order nun.

“babe are you okay?” tanung ni trixie habang nakahawak siya sa balikat ko."

“Nalalako na ang lahat. Malinaw nasa akin ang lahat.” Ang sabi k o kay trixie.

“na-alala monasi RJ. na-alala mo na ba siyab abe? Ang tamtam mo?” bigla akong nabingi sa narinig ko at nagtaka habang nililingon ko sya.

“alam mo?” tanung ko sa kanya.

“oo babe alam ko ang lahat. Hindi ko sinabi sayo hanggat hindi pa bumabalik ang mga nawawala mong memorya”sagot nito

“pe-pero bakit?”pagtataka ko

“yun kasi ang paki-usap sa akin ni RJ” pakli ni trixie.

“asan siya?”ang tanung ko naman

“nasa baguio siya ngayun, nasa bahay ng tita niya. May inaasikaso lang siyang papapeles. Hindi ko lang alam kung magtatagal pasiya rito sa manila. Baka pagkagaling doon dumerecho na siya ng airport kasi flight nya na bukas papuntang states.”salaysay nito.

ang weird, bakit ngayun pa nagbalik ang ala-ala mo kung kelan malapit na siya umalis.pinaglalaruan ba kayo ng tadhana nyo?oh nagkataon lang? dagdag pa nito

“akalako ba nata-alis na siya?”pagtatanung ko.

“naku mahabang kwento babe. Sa bahay ko nalang ikukuwenta tara na, mauna na tayong umuwi tawagan ko lang si Jorge na sila na muna bahala kay andrea” suhestiyon nito sa akin.

Pagkatapos tawagan ni trixie sila Jorge agad na kaming tumulak pabalik sa bahay. Nagpa-alam ito na may family problem ako kaya nagmamadali kami umalis at sinamahan ako ni trixie.

Unting unti nagbalik ang lahat ng bagay sa isipan ko.ang mga naudolot kong katanungan noong araw na bago ako naaksidente.
Labis kong pinagtataka kung bakit nagsinungaling si rj noong araw na nagising ako base sa pagkakakwento ni trixie noon.

Sapagkakaalala ko, wala akong kasabay noon papuntang mcdo. At lalong hindi ko siya nakita ng mga oras na iyon. Nakapagtataka na siya ang nagdala sa akin sa hospital.pero ang gumugulo sa isip ko noong bago ako mawalan ng malay narinig ko ang katagan “tamtam! Tamtam tamtam” boses iyon ni ryan bago tuluyan nawala ang ulirat ko.

Paanong napunta siya roon samantalang ilang araw na kaming hindi nagkikita. Paanong sya ang nagdala sa akin sa hospital.ang weird. Ni hindi ko manlang namalayan noon na nandoon siya. Gusto kong maresolba lahat ng katanungan ko.

ngayun ko lang lubusan naintidihan kung bakit nagging masya siya ng nagising ako mula sa mahabang pagkakatulog. At kung bakit biglang nagbago ang expression ng mukha niya noong hindi ko siya maalala.

Nagbalik ang mga katanungan at maging ang mga emosyon. Pinaghalong lungkot, pagtataka at pananabik ang nararamdam ko para kay ryan lungkot dahil narinig ko sa mgalabi ni trixie na paalis na ito bukas papuntang state.pagtataka kung bakit hindi natuloy ang pag-alis niya, at kung bakit siya nagpanggap na ibang tao, at kung papano siya napunta sa pinagyarihan ng aksidente. Pananabik dahil ilang lingggo na kaming hindi nagkakausap ng masinsinan bilang tamtam. Maaring nagkausap kami ng saglit pero hindi bilang tamtam kundi bilang ibang tao.

Ang isa pang ikinaka-bahala ko kung anu na ang mangyayari sa amin ni andrea. Nahulog nadin ang loob ko sa kanya. Araw pa man din ng pagtatapat ko sa kanya kaso na-unsiyami lang dahil sa pangyayari. Ayo ko namang paglaruan ang nararamdaman ko gayung alam ko din na mahal din ako ni andrea.ramdam ko nitong mga nakaraang araw na nahulog na din siya ng tuluyan sa akin. 

Naiipit ako sa sitwasyon ng nakaraan at ng hinaharap. Sinu bang mas matimbang sa dalwa. Sino ba ang mas pipiliin ko. Ang nakaraan ko na alam ko at ramdam ko ang sobrang pagmamahal niya sa akin. Oh ang babae na ako naman ang siyang gumagawa ng lahat para lang mapalapit ang loob nito. 

Alam kong ako ang dahilan kung bakit napalapit ang loob ni andrea sa akin. Alam kong effort ko ang dahilan kung bakit tuluyan siyang napamahal sa akin. Kung hindi ba sa pagkakataong wala ako na-alala magagawa ko kayang paibigan siya at magagawa ko bang ipagpalit si ryan.

Magagawa ko bang itanggi sa sariliko ang labis sa pananabik ko kay ryan. Matatakpan ba ng pagkagusto ko kay andrea ang lahat ng mga nagyari sa amin ni ryan? Paano nalang si ryan? Anu bang naghihintay sa akin? Ano ba ang dapt kong gagawin? Nasa harap ko na ang dalawang kasagutan. Isang babae na alam kong walang maibibgay na malisya sa mundo na ginagalawan namin. Oh ang lalake na habang buhay naming dadalhin ang pagtatago ng mga nararamdaman namin at pagmamahalan.

Ito na ang pinakamahirap na disisyon na dumating sa buhay ko. Ito ba talaga ang tadhana ko. Mababaliw na ako sa mga nagyayari . hindi ko pa nga naa-yos ang problema namin ni ryan nadagdagan pa ng mas malala pa.

Nilalayo ako ng tadhana sa taong pinakamamahal ko.samantalang binibigyan naman ako ng kapalit na pag-aaralan ko pa kung anu ba ang magigng takbo ng relasyon namin.

Pagulo ng pagulo ang lahat ng bagay.sana hindi nalang nagbalik ang alala ko. Oh sana hindi nalang ako naaksidente di sana wala ako inaa-lala ngayon. Paano ko gagawin ang isang desisyon na hindi makakasakit ng ibang tao. Na hindi ako makaka-sagasa ng damdamin ng ibang tao. Kahit sino sakanila ang piliin ko alam ko ako ang lalabas na mali.ako ang lalabas na kontrabida.shit. hirap na hirap ako sa sitwasyon ko.

------------------------------------------------------

PART 6

Dumating na rin kami sa bahay sa wakas. AgaD kami tumuloy sa kusina para maupo sa upuan ng lamesa. Kasalukuyan namang nagsasalita si trixie habang kumukuha ng malamig na tubig sa ref. habang inoobserbahan ko ang mga kilos ni trixie at nag-aantay ng mga sasabihin nya.

Alam mo babe naawa ako kay rj. Well, sabihin na nating nagulat ako ng pinagtapat niya na kayo nga noong una. I mean I cant imagine you guys have something .ang galing nyo magtago hindi ko akalain na dalawang ex ko pa ang nagkatuluyan. Funny, kasi iniwan nyo ko both para kayo naman ang maglokohan? Joke” ang salaysay ni trixie habang hinahaluan ng biro ang mga sinasabi.

Alammo bang palihim kang sinusubaybayan ni ryan araw-araw. Mula ng huli niyong pagkikita umaali-aligid lamang siya ng di mo napapansin. Isang linggo bago ang nakatakdang pag-alis ni ryan papuntang state, nagsubmit daw siya ng imidiate resignation. Yun kasi ang gusto ng parents nya na isama siya sa states para siya ang maghandle ng business nila doon. 

Those remaining days niya bago tumulak , halos itinoon niya ang pagmamatiyag sayo. Ang you know what he said? alam nyang hindi ka lumalabas ng bahay at alam nyang umiiyak kalage ng mga panahong pagkatapos ninyong maghiwalay. I really dont understand kung bakit pinahihirapan pa ninyo ang mgasarili nyo.i mean he could have done something better than being stalker right? 

Bat di ka nalang niya nilapitan para icomfort kaniya. And he told me “that was the best thing to do para hindi na madagdagan pa ang mga paghihirap mo. He will never be far from you, he promised his self that he’ll make sure na walang mananakit sayo. Na walang sinu man ang maaaring umagaw ng atension mo. 

And you know what? I was actually scared the moment he said na he’ll give his life para lang maprotektahan ka. Imagine? I was thinking that time that this guys sent from up above as your angel. 

Not everyone has to earn that kind of care. Kung ibang tao lang ang nagkukwento sa akin, I could tell, im fallin to him. ^^ I don’t know, di ko sya nakitang ganyan ng kami pa. ni hindi ko nga naramdaman ang gan yang pagmamahal noong boyfriend ko siya. 

Almost a week ka din nyang sinusubaybayan. Lucky for you, noong naaksdente ka nandoon siya sinundan ka nya. He was wondrin at that time kung saan kapupunta. Yun daw kasi ang kauna-unahang paglabas mo ng bahay. And while he was at your back on your way to mcdo, napangiti mo nga daw siya, till now favorite pa rin talga ang spaghetti ng mcdo. 

He was there, nag cr siya sa mcdo after he parked his car. Sinundan ka niya ulet pag-uwi mo.he knows what happened to you. Naliligo ka nga ng sarili mong dugo dahil sa pagkakahampas ng ulo mo sa bakal saf front seat ng jeep. Binuhat ka niya at isinakay sa kotse nya, sabi nya hindi nya alam ang gagawin nya at that time habang isinusugod ka sa ospital. He always keep on tellin, please god. Please wag mong kukunin ang tamtam ko. Not now. Buti nalang at sobrang lapit lang ng ospital at agad kang inasikaso para dalhin sa icu.

He filed a case against the driver sa private vehicle na yun I don’t know what happend sa case na yun kasi di na naman niya nakwento, well actually lahat ng gastos ng ospital siya na ang sumagot at hindi talga ako . 

di ba i told you that time na ako na ang nagbayad noon? The moment na sinundan ko si rj pagkalabas ng kwarto, he was cryin so hard. He keep on askin “why? Sa dinami-dami pwedeng kalimutan bakit siya pa?” 

I feel for him. I understand and I know how he felt that time. Doon ko nakitan bumuhos ang luha niya. And that very moment niya pinagtapat ang lahat.

It was so hard for him na magpakilala bilang RAD JURICH , not to mention para hindi ka na mahirapan na alalahanin pa.but inside he was like begging for you to remembered him. But that was too impossible for you to remembered him as he barely understood your situation. 

You gotten comatose for aweek and he was the only one on your side every night. Sya ang lageng nagvovolunteer na maiiwan sa hospital. Even if his not fellin well, he never leaves you. 

He canceled his flight reservation at pina-una nalang ang parents nya. Nakipagtalo pa nga siya sa papa nya dahil wala naman na mangyayari sa kanya dito sa pinas. 
Inaanatay siya ng business nila sa states. He begged and asked to exetend his stay here in the phil for a couple of week kasi nga may aayusin siya.

Pinagbigyan siyang isang buwan para ayusin nga yun sinasabi niya. Alam mo kung anu yung sinasabi niya aayusin? It was you. Gusto nyang alagaan ka habang wala kapang malay.

He’s an extra ordinary man. On your second day, habang nasa coma kapa that was your 11 monthsary. Naikwento nya sa akin. May dala siyang take out ng spaghetti at mcfloat from mcdo and a letter attached sa may styro ng spagetti. I was there. I witnessed the moment he kissed your forehead and tellin how much he loves you and misses you. Magpagaling kana daw kasi andito na ang favorite mong food. While he was singing a phrase “TAMTA-RAMTAMTAM… and fallin his tears to his cheeks continued to sang the piece LOVE KO’TO” 

it was very touching scenario from a guy like him. If only I could have recorded those moment siguro marerelaized mo kung gaano ka niya kamahal.”pagkukwento ni trixie habang tumutulo ang luha nito.

“Nasa sayo ang letter actually, napansin mo ba sa drawer mo? doon ko kasi nilagay yun. Nalulungkot ako sa mga nangyayari.and im sure na sobrang nahihirapan ka.same with ryan. Everynight nakakausap ko siya. He keep on calling me para magkweto ako sa mga nangyayari sayo. Naguguilty nga ako kasi hindi ko nababaggit sakanay si andrea. Mas makabubuti kasi sa kanya na hindi nya malaman about kay andrea. Tama na siguro ang pahirap na nararanasan nya.”dagdag pa nito.

“and if im not mistaken bukas pang 12 monthsrry nyo na.meaning 1 year na kayo.sayang nakasabay pa sa pag alis nya ang anniversary nyo. What will you do Erick?” tanung ni trixie sa akin.

Wala akong maisagot kay trixie ng mga pahong iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang tanging nagawa ko lamang ng mga panahong iyon at titigan siya habang nagsasalaysay at nagiisip ng gagawin. Saan ba ako dadalhin ng lahat ng ito. bukas anniversary pala naming. At kahit na hindi ko pa siya nakakausap tuloy tuloy parin ang pagmamahal niya sa akin.

Tumayo ako ng pagkaka-upo ko sa silya para pumunta sa kwarto kung saan nakatago ang sulat na sinasabi ni trixie.pagbukas ko ng drawer nakita ko ang singsing na pinagawa ko noong june. kinuha ko ito kasabay ng sulat na sinasabi ni trixie.

Maya maya pa pumasok si trixie ng kwarto. Dala dala ang basa na may laman na malamig na tubig.

“basahin mo na. anu ba nakalagay jan sa letter nay an.” Pag-uutos ni trixie na bakas namukha ang excitement nito.

Binuksan ko ang sobre para basahin ang nilalaman ng sulat. Nakasulat sa harap ng sobre and word na TAMTAM KO! LOVE KO ‘TO ^^ . sabay naming binasa ni trixie ang sulat.

MY TAMTAM ERICK ^^
Dated july 11

Hello tamtam ^^ , sa oras na binasa mo na itong sulat ko na ito alam kong wala na ako sa pinas. Wag mong isipin na iniwan kita at nilayuan. Ang toto hinding hindi ko magagawa na kalimutan kita. Nanjan lang ako sa paligid mo minamatsagan ka at binabantayan , ayo ko kasi mawala ka sa akin at ayoko ring may mangyari sayo namasama. 

Habang sinusulat ko itong monthsary message ko sayo, kasalukuyan kitang pinagmamasdan.nandito ako sa tabi mo, at magdamag kong tinititigan ang mga ngiti mo sa labi habang natutulog ka ng mahimbing. Hindi ko makayanan na iiwan ka kahit isang minuto lang.

Ito ang unang gabi mo sa ospital.kina-usap kosi lord kanina na sana okay ka lang at wag ka niya pababayaan. Alam mo ba habang kargakarga kita noong isang araw, kinausap ko din si lord na kunin nya na lahat sa akin wag lang ang tamtam ko. Hindi ko kasi makakaya na mawala ang tamtam ko.

Kahit minsan hindi ako nawalay sayo. diba napaliwanag ko na sayo dati na may heart mark tayo? kapag maligaw ako naku Makita ko lang ang mcdo alam ko na kung saan ako pupunta ^^ hahanapin at hahanapin kita saan Kaman magpunta.

Oo nga pala, naalala mo ba yung sulat na binigay ko sayo na wag mong bubuksan haggat hindi umaabot ang 1 year anniversary natin. Malapit na pala yun isang buwan nalang. Pag nagising ka at nabasa mo na ito hawak mong sulat ngayun , buksan mo na iyon para mabasa mo kung anu ang nakalagay doon.

Sana tandaan mo na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang pinakamamahal ko at nagiisang tamtam sa buhay ko. Kung sakali mang dumating ang araw na magkahiwalay tayo, at kung talagang gusto mo ako makasama handa ko iiwan ang lahat para ipaglaban ka.

Mahal na mahal kita Tam

Tamtam ryan love ka niya. Mwah

Namumuo sagilid ng mata ang luha na kanina pa gusto pumatak . maya maya pay tumulo ang mga ito. Nagmamadali akong hanapin ang sulat na nasa lalagyan ng mga letters. Hinalungkat ko ang lagayan ng damit ko. Nakita ko din sa wakas ang sulat na ilang buwan nang nakakaraan sa pagkatago nito.anu kaya ang laman ng sulat na ito. matagal ko ng gusto itong buksan. 

“Yan naba yung sulat sulat na tinutukoy niya? Grabe ha anu naman kaya laman nyan? Tagal na yan eh November pa yan di ba? Hmmm” pag –usisa ni trixie.

Agad kong binuksan ang sulat.

“wil you mary me? And be my tamtam forever?” ito lamang ang naksulat sa kapirasong stationary.

Bumuhos ang luha ko sa nabasa ko. 

“oh my god! That was sweet. I never expect na yun ang laman ng sulat na yan. Almost a year mong tinago yan. It only showed and proved how much he put his trust to you. I mean kung ako yun, agad kong bubuksan yang letter na yan pagkatanggap without his consent. But look at you, now mo lang binuksan yan and you kept your promised not to read it unless its time to read it. Hindi siya magiging effective at mawawalan ng sense kung hindi mo sinunod ang instruction nya. Its a kind of promise between two people. Nakakaiyak sobra.” Sabi ni trixie

“trix, you have his number right? Can I borrow your phone. Ill try to call him.” Sabi ko kay trixie habang nanginiginig ang bose ko, and hoping it will work coz the last time na tinawagan ko siya out of coverage siya.

“yah may number ako niya kasi lage ko siya kausap sa fone. But can you just please pick up your phone first.kanina pa yan ring ng ring di mo ba naririnig?”sabay turo ng nguso ni trixie sa phone ko. Kanina pa pala nagriring ang phone ko. Baka si ryan itong tumatawag? Agad kong kinuha ang phone ko para sagutin ang call.

“hello sinu to?” bungad ko sa kabilang linya.

“hi, Erick! Si andrea to. Nakitawag lang ako. Kakarating ko lang ng bahay. Thanks pala sa treat. Hope everything is okay. Para kasing may malaking problema kang pinagdadaanan. “ sabi ng tinig sakabilang linya

“yeah, okay naman lahat.dont worry hehe” pagtatakip sa mga emosyon ko ng mga panahong iyon.

“i miss you. And you know what? Ayo ko ng itago ang nararamdaman ko sayo. Mahal na kita. I don’t wanna loose you. Sana maulit muli ang mga masasaya nating araw. Hope to see you soon hehe. O siya nangangamusta lang ako, atleast nasabi ko na ang nararamdaman ko sayo. Mwah” 

Muli ko nanaman naramdaman ang pakiramdam ng umiikot ang mundo. Sa mga narining ko. Talagang sinusubok akong ng tadhana.

Umiigting ang pagkakaipit ko sa dalawang nag-uumpugang bato. Ito na ang tamang panahon. Sa hinaba-haba ng panahon na nakatago ang proposal ni ryan bakit ngayun pa nasabay sa araw na pagtatapat ng nararamdaman ni andrea. 

“babe kausap ko na si rj sa kabilang line.” Ang pagtawag ng atensiyon nito sa akin. 

“sino nga pala ang kausap mo sa fone?” pag-uusisa pa nito sa akin

“ah-e walayun si cerge lang” pagsisinungaling ko.

“hi!tamtam?” sabi ko sa kabilang linya na alam kong kanina pa nakikinig.

“hi tamtam. Buti naman at magaling kana at naalala mo na ako. Hindi ka na ba galit sa akin?” tanung ni ryan

“sorry!” sagot ko sakanya

“sorry san?sorry dahil hindi mo na ako mahal?ganun?okay lang yun alam ko naman yun. Baka may mahal ka ng iba siguro” ramdam ko ang panginginig ng boses ni ryan habang sinasabi niya iyon.

“sorry kasi ang sama sama ko.sorry kasi ako tong nanakit sayo. Sorry kasi am bobo bobo ko. Sorry kasi ang tanga tanga ko.sorry kung minahal kita higit pa sasarili ko kaya ko nagawa ang magselos.sorry kung bakit humantong sa ganito ang lahat” sabi ko sakanya.

“patawarin mo ako. Luluhod ako saharap mo kung kinakailangan. Ako naman ngayun ang handang iparamdam na mahal kita. Ako naman ngayun ang handang ipaglaban ka. Naalala mo ba yung sinabi ko noon?nasusundin ko kung saan ako Masaya? Ikaw ang kasiyahan ko.ikaw lang ang nakakagawa ng dahilan kung bakit mo ako napapangiti.”dagdag ko pa.

“you’ve said enough tam. Thank you akala ko aalis nalang ako ng hindi na tayo magkakayos. Maraming salamat.dininig din ni god lahat ng mga panalangin ko.” Tugon naman ni rj.

“hanggang ganun nalang ba yun? Di ba gusto mo akong makasama habang buhay. Di ba gusto mo akong maging asawa mo at magsasama ng mahabang panahon?kala ko ba kaya mo akong ipaglaban?kala ko ba kaya mo akong bigyan ng masayang buhay at magsasama tayo?anu yun puro lang ba iyon kasinungalingan? Pagyayabang lang ba iyon oh puro kasinungalingan din? Pagalit kong sabi sa kanya.

“tam aalis na ako bukas. Hindi ko na pwede I move ang date ng flight ko. Nag aantay na sila sa states. Galit na nga sila sa akin dahil matigas daw ulo ko. Puro nalang daw kalokohan ginagawa ko dito sa pinas. And to think na napilit ko sila na imove ang date ng flight ko ng nakaraan, binalaan ako na if hindi matuloy ang flight ko ngayun for sure uuwi ang parents ko para lang isama ako ng sapilitan at ipapadampot ako ng mga tauhan nila for sure.see the picture?”pagsasalaysay nito.

So balewala din pala ang lahat ng ginagawa ko na ito. Balewala din pala na tinawagan kita. Nakakainis. Kung alam ko lang na ganito sana tuluyan nalang ako nagka-amnesia.sana di nakita nalala para di na ako nasasaktan. Sana nakalimutan nalang kita ng tuluyan. Umasa ako sayo. Inasahan ko yung sulat mo na pinatago mo sa akin.”

Binaba ko na ang tawag ko sa kabilang linya. Hindi ko na napigilang umiyak ng mga oras na iyon. Yinakap ako ni trixie na noon ay nakikinig lang ng mga pinag-uuspan namin. Sa paraang iyon lamang ako madadamayan ni trixie. Alam naming parehas na wala na kami magagawa sa desisyon ni ryan. 

Siguro sumuko na ng tuluyan si ryan dahil sa mga ngyari sa amin. Siguro tuluyan ng naglaho ang lahat ng mga pangarap niya sa amin. Nawala na rin siguro ang saysay ng lahat ng mga pangako niya noong una. Masyado lang siguro ako nag ambisyon ng isang perpektong relasyon. Sabagay libre nga lang naman talaga ang mangarap. Masakit lalo na kung umasa sa mga pangarap na akala mo madali lang makamit dahil abot kamay mo na naman ang lahat ng iyon.

Hindi ko naman talga hawak ang isipan ng tao. May kanya kanya tayong desisyon sa buhay. Alam ko naman yun. Anytime kayang magbago ang isip ng tao. Pero mahal ko talaga siya. Ganito pala ang pakiramdam ng iniiwan ng tuluyan. Yung pakiramdam ng harapharapan ka iniignore. Yung feeling na gusto mong ipagsiksikan ang sarili mo. yung feeling na gagawin mo ang lahat para lang makasama siya.

Paano kaya kung puntahan ko siya sa baguio? Paano kaya kung abangan kosiya sa airport bukas? Kaso hindi ko natanung kung anung oras ba flight nya. Hays paano kaya kung magpakamatay nalang ako? Total wala na naman silbi kung hindi ko rin siya makakasama. Para narin akong nasa impyerno sa pangungulila sa kanya kung laam kong nasa ibang lugar lang siya.

Maghahatinggabi na. hindi ko na naming namalayan ang oras. Sa dami ng nagyari ngayong araw parang gusto ko ng I fast forward kung merun lang ako kapangyariahan ginawa ko na. ganitong ganito din ang sinabi ni ryan noon. Tao nga lang naman talaga tayo. Patibayan nalang siguro ang labanan ng buhay sa pag-ibig . kung sino tatagal at kung sinu ang bibigay. Yung mga mahihina sila yung lageng nasasaktan,at yung mga malalakas ang loob sila yung lageng nagpapaiyak at nanakit. 

Ilang oras din ang lumipas, namalayan ko nalang na nakatulog na pala si trixie sa kama ko.marahil sa sobrang pagod kaya hindi na natiis na pumikit. kasalukuyan naman akong lumabas para duon na magpahinga sa sala.doon na muna ako magpapalipas ng oras at gabi. Medyo nakaramdam narin ako ng pagod. 

“tam?” tamtam? Tam ako to. Buksan mo ang pinto!”

Sobrang lakas ng kaba sa dibdib ng narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Laking gulat ko at animoy lumukso ang puso ko sa tuwa na naramdaman ko. Sa sobrang excite ko napatalon ako sa sofa na kinahihigaan ko. Agad kong binuksan ang pintuan para makita at mapatunayan na totoo bang si ryan nga ang tumatawag sa akin at hindi guni guni lamang.

Napayakap ako ng mahigpit sa kanya ng Makita kong si ryan nga. Halos ayaw ko na itong bitawan sa pagkakayap sa sobrang pagka-miss ko sa kanya. Mangiyak ngiyak ako ng mga oras na yun at nanginginig pa ang mga bisig ko sa sobrang emosyon na nararamdaman ko. 

Napakihirap paniwalan na narirto siya ngayon at kayakap ko.samantalang kanina lamang at kakasabi niya na nasa baguio siya at aalis na siya bukas. Pero kung anu paman ang dahilan hindi naimportante iyon. Ang mahalaga nandito siya ngayun. Natahimik kaming dalawa at halos ayaw na naming pakawalan pa ang isat isa.

“tamtam ko..” sambit ko. Yun lamang ang nasabi ko ng mga panahong iyon. Ayoko na magsalita pa ng kung anu.sapat na ang tawagin ko siya ng ganun. Alam kong sa tuwing tinatawag ko siya ng tamtam ay ramdam niya kung gaano ko siya kamahal.

“tam..” sagot niya. Ganoon din siguro ang iniisip niya ng mga panahong iyon. Nagkakaunawaan kami kahit na pangalan lamang ang sinasambit naming.

Kinalas naman ni ryan ang pagkakayakap ko sakanya ng mga oras na iyon at dinakma naman niya ang magkabilaang pisngi ko habang nilalapit niya ang mukha sa akin at idinikit ang noo niya sa noo ko. Habang tinitiigan niya ako sa mga mata ko na noon ay maluha-luha sa labis na tuwa na nararadaman.

“will you marry me and be my tamtam forever?” ang tanung niya na halos mautal pa sa pagkakasabi sanhi ng kagalakan na nararamdaman.

“wuy!sabi ko na nga ba nandito ka eh. Ikaw yung naring ko na boses kanina” nagulat kami sa narinig naming boses.boses iyon ni trixie agad naman kaming kumalas sa ginagawa namin ng mga panahong iyon.

“hay naku babe,panira talaga ng moment .okay na andun na kami eh. “tugon ko naman sa kanya.

“hay naku may nakalimutan ka, ito gamitin mo at ibigay mo sa kanya para mas romantic. At gusto ko makita kung paano ka magpropose”sabay abot sa akin ng maliit na box, yung pinagawa kong kwentas noon na dapat iregalo ko kay ryan.

“talino mo tlga babe di ko nalala to ah! Hehe thanks” sabay kindat ko sa kanya.
Kinuhako ang ang singsing at ipinasok ko ito sa kwentas.

“tam , accept this necklace as symbol of our love. ang singsing ay ako, at ikaw kapag nagsama ang dalawa mabuboo ang LOVE . ang kwentas naman para pag-ugnayin ang sarili natin sa pagmamahalan.”isinuot ko ang kwentas sa leeg ni ryan pagkasabi ko ng mga salitang iyon.

“I now pronounce the best couple ever “ ang pabibiro na sabi ni trixie

“O wala bang kiss jan?” pahabol nito.

Hinalikan ko si ryan sa pisngi. Kasabay naman nito ang paghalik niya sa mga labi ko. Alintana sa babaeng nakatayo sa harap namin. Sa bagay unti-unti narin naman kasi akong nasanay kay trixie.

Wakas.

----------------------------------------------------------------------------
ABANGAN ANG IKALAWANG YUGTO NG TAMTAM SERIES. ANO ANG MANGYAYARI KAY ANDREA? MATATANGGAP KAYA NG MGA MAGULANG NI RJ NA SA PAGSUWAY NG KAGUSTUHAN NG MGA MAGULANG NIYA AY ISANG RELASYON SA LALAKE ANG DAHILAN….














       ARIEL DIOCTON
https://www.facebook.com/ariel.diocton
              AUTHOR














GARZON,ARGIE DECIPULO
https://www.facebook.com/garzonargie
      EDITOR/PUBLISHER

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento